Subukan lang ito.
Opa, ikaw ang inisip ko kaya ganito ang entry ko, haha. Special request mo kasi eh.
Matigas
talaga ulo ko. Mahirap pigilan, pero tulad nga ng sinabi ko dati,
makulit talaga ako. Susubukan ulit natin. Pero syempre, malamang may
kapalit yan. Tingnan ko muna.
Ang daming beses mong
maririnig sa iba't ibang tao sa iba't ibang okasyon ang mga salitang "I
miss you." Madalas sincere, pero minsan may mga times na sinasabi ito
dahil wala nang ibang masabi. Di naman kayo close, so bakit mo naman
sasabihin yun? Hahaha, kasi parang nawawalan na ng essence yung pagsabi
eh. Pero nakakatuwa talaga makita pag sinasabi ng tao kapag sincere
siya. Makikita mo sa mata at maririnig sa tono ng boses.
Matapos
ang halos limang taon, ngayon ko lang napalipat ang thesis ko from VHS.
Ano ba naman yan, napaka-old school. VHS. Ang obsolete na, hahaha. Ang
nakakatawa pa, nung pinanood ko ulit siya last year, hindi ko napansin
na recycled lang pala ang video cassette na yun. May pelikula pang
pinatungan para lang ma-record ang thesis namin. Pero kamusta naman ang
pagka-label ng cassette. Yung makapal na masking tape ang ginamit para
dun sa main label, at may erasure pa. Hahaha. Napaka-tempting na
ipa-request na palitan yung label, o maski ako na lang ang magpalit,
wahahaha.
Pinanood ko ulit kahapon yung buong video. Nung huling
beses kong pinanood, ang iniisip ko ang mga notes, ang mga pwede pang
gawin sa show na yun. At syempre ang mga alaalala kasama ang mga kwela
na taong yun. Mga simula ng mga pagkakaibigan, at ang pag-usbong ng
karir sa mga iilan sa kanila. Pero hindi ito yung mga iniisip ko habang
pinanood ko ulit siya. Ngayon ko lang na-enjoy ang pagpapanood doon.
Tawa ako ng tawa sa mga nakalimutan na linya (at hello, sung-through na
musical ito ha), mga nakalimutan na sayaw, at mga nuances na hindi mo
mapapansin sa simula. Patapos na ang unang yugto (Act 1?) nung napansin
ko na ang lakas na pala ng halakhak ko habang mag-isa sa kwarto ko.
Tamad
pa akong i-edit at i-upload ang video para sa mga nag-aabang na makita
ito. Pero sana this week o next week, maaayos ko na.
Nung Huwebes, nagkasalubong kami ni Nar sa lobby ng Little Theater matapos ng 3pm show ng Pamaypay, Kutsilyo at Yantok.
Nanggaling siya sa Atlantis nung umaga at ako naman ay nagpapalipas ng
oras habang pinapa-transfer ang thesis ko. Ang sabi pa niya sakin ay
magkapareho daw kami ng aura ni Lawyn at magkamukha pa kami. Ahehehe,
ang nasagot ko lang sa kanya ay dahil magkakilala na kami nung grade
school pa (grade 7 ako at grade 5 si Lawyn). At nung unang pasok niya
sa CSB, pinagtripan namin ang mga kakilala namin (pati isang prof) na
magkapatid kami. Kamusta naman at naniwala sila dahil magkapareho daw
kami ng mata. Hanggang ngayon pala ay papasa pa rin kaming magkapatid.
May kasalan nanaman sa Biyernes. Ikakasal na ang kabarkada naming si PJ
kay Joy. Nakakatawa dahil hindi si PJ ang na-expect ko na isa sa mga
mauunang ikakasal sa barkada. Natatawa din ako dahil si Seph talaga ang
tinatawag na "perennial best man" ng barkada. Mukhang lagi siyang
maghahanda ng best man speech sa kasal ng bawat lalaki sa barkada, kung
balak talaga nilang magpakasal, ahehehe.
At dahil malapit na rin
naman ang lugar, yun na rin ang pagkakataon na bumisita sa aming alma
mater. Sa tagal naming nawala, ngayon pa lang kami babalik. Sabi nga ni
Brother Ceci nung tinext ko siya nung isang linggo, "Welcome home!"
Sana nga "welcome home" nga ang pakiramdam pag pumunta kami dun. Parang
sobrang dami na ng pagbabagong pinagdaanan ng De La Salle Zobel matapos
ang sampung taon naming nawala.